Posts : 86 Join date : 2011-05-26 Location : Lovefinder Society
Subject: Lovefinder: Sunset Tears Wed Oct 15, 2014 9:26 pm
original book cover
“Halos sambahin na nga kita, hindi mo pa nahalatang mahal kita.”
Sunset Tears Pangangailangan ang nagtulak kay Caren na tanggapin ang alok ni Sean na maging cook siya sa bahay nito. Pilit na kinalimutan na lamang niya ang kabog sa dibdib niya na nakikihalo sa takot na nararamdaman niya para dito. Seryosong-seryoso kasi ito at hindi marunong ngumiti.
Hindi niya inakalang maraming mangyayari habang nasa poder siya nito. Isinama siya nito sa Esperanza Island at ginawa siyang writer ng online journal na pag-ibig ang theme.
Hanggang natagpuan niya ang sariling ginagawa ang lahat para kay Sean—si Sean na naniniwalang hindi nito kailangan ng kahit sino para mabuhay—lalo na ng isang babaeng hindi nito pinagkakatiwalaan…